What with the outpouring of sponsorship money, lumalabas na naman ang mga tinginingining corrupt creatures.
Members of the national teams, who've been training for years, have resigned kasi pinapasok ng mga corrupt na ito ang kani-kanilang pets. They do this so they can get their already dirty hands on the perks/ benefits/ honorarium.
They keep saying walang pera ang Sports Commission kaya walang pambili ng equipment, etc.. which translates to poor performance ng athletes. Tis not true. May pera. Pero hindi sa mga athletes napupunta.
ang bad news lang ngayon sa SEA Games is hindi na kasama ang basketball. yun nga ang isa sa mga sports na malaki ang chance natin makakuha ng gold inalis pa.
first time sa history ng SEA Games na hindi included ang basketball sa event. kakalungkot! kaya dami nagpo-protesta kay Mr. Cojuanco eh.
ang bad news lang ngayon sa SEA Games is hindi na kasama ang basketball. yun nga ang isa sa mga sports na malaki ang chance natin makakuha ng gold inalis pa. first time sa history ng SEA Games na hindi included ang basketball sa event. kakalungkot! kaya dami nagpo-protesta kay Mr. Cojuanco eh.
bakit nga ba tinanggal yung basketball sa SEA games???
kung tutuusin parang national sport na yang basketball dahil halos bawat kanto ay may basketball court...sa maynila nga may di ka madaanang kalye dahil may basketball court...
mukhang may pag-asa pang makaroon ng basketball sa Sea Games. sana makahabol pa! GO!
eto pa:
alam nyo ba na inakusahan tayo ng Vietnam na "fixed" na daw ang magiging medal tally this coming Sea Games. at magiging Top ay Philippines, 2nd Thailand, 3rd and Vietnam. aba! imposibleng ma-magic na yun agad. eh mapapanood naman ng mga tao ang mga mangyayari di ba. lumabas kasi sa isang kilalang pahayagan sa Vietnam na tapos na ang medal standings sa Sea Games kahit hindi pa ito nagsisimula.
Fraggle Rock wrote: i'll be the devil's advocate here... if you remember the last sea game that happened here in the Philippines. if i remember correctly, we placed first in the medal standing.
Nope, bago pa lang akong nagta-trabaho sa Channel 4 when the Sea Games was held here. We were 2nd or third. It's the highest we've placed, kasi nga home court. Usually, Thailand, Indonesia and Malaysia ang naglalaban-laban for the top spots sa medal standings.
Sabi sa amin noon, sa lahat daw ng Sea Games may dayaan na nangyayari. Some of my co-workers have seen it first hand, hindi lang dito sa Pilipinas. For example, sa Archery: pag tumusok na yung arrow sa target, lalapit na yung mga scorers to see kung saan yung butas, di ba? Harap-harapan daw, pag nakita nila na ang baba ng score (meaning malayo sa bull's eye), kukunin nila yung pen or pencil nila tapos itutusok sa mas mataas na score.
Yung isang Tae Kwon Do Jinn (shouldn't say who), nanalo ng Gold, kahit na she was new to the sport. Kasi daw siyempre hiningi na ng mga officials sa organizers na bigyan ng so-so na kalaban para naman masabi na nanalo naman siya.
And so on. Some of the pandadaya is not to win in the medal standings, or to win the Gold. Yung iba para lang wag masyadong mapahiya.
This is not to bash the Philippines or anything. Nagse-state lang ako ng mga narinig ko from all my years of being a part of the Sea Games coverage. I really have no major opinion about it. Nung una ko ngang marinig yung daya-daya kwento, ang sinabi ka lang, "Ahh." I think na malaking bagay yung Home Court Advantage. Yun lang ang opinion ko about the whole Sea Games.
I don't know why I don't have an opinion or conclusion about it. Siguro kasi hindi ako gaanong interesado.
nakapanood ako ng ilang events. nakagold na ang Phil sa Field Events, di ko sure kung long or high jump. Tapos volleyball female 2win out of 2games. Grabe more than 1thousand ang delegate ng Pinas. GO Philippines!!!
nakakatuwa tingnan yung mga pinoy na nanonood sa venue...pag nananalo pinapatugtog yung "Pinoy AKo" tapos sasayaw sila...hehehe..pati yung ibang players sumasayaw!hahahahahaha...
gusto ko lang i-congratulate din ang nanalo ng Gold Medlal sa Men's Long Jump na school mate namin..hehe...binreak niya rin ang SEAG record sa pagtalon niya ng 7.81 meters...hehehe..