ok i started now this topic para lahat ng mga nakalipas pwede na natin ibalik dito at mapagusapan na.. kahit na ano basta may flow and conversation ayos dito..
wow computer games!!! fav ka yan. nakasira nga ako ng t.v. namin kasi naisaksak ko yung 110V na tv namin sa 220V. nalimutan kong isaksak sa transformer. sino may alam ng goonies??? yun yung all time favorite adventure game ko. tapos yung ninja turtles, chip and dale, rainbow island, at ang walang kamatayang castlevania. hmmm... yang ice climber na yan, lagi akong inaabutan ng polar bear sa stage five. lagi akong nadededo. yung twin bee naaasar ako dyan. bwisit na mga bell na yan, di ako makakuha ng pula at puti. tapos yung up up down down left right left right b a b a... nyahahaha!!! contra yung mario 3 natapos ko na lang yang game na yan ng mag first year college ako. kasi grade four never ko pa yun natapos. hirap ako sa mga bosses. specially dun sa world three na naghahagis ng malalaking hoops... nakakatuwa nga kasi buhay pa yung family computer namin, pati yung 30 in 1 namin. hehehehe
boom! sabog ang T.V.!!! alam ko rin Goonies.. maraming chasers dyan eh.. hirap maghanap minsan ng keys "susi".. chip and dale! cute yan! ninja turtles.. anong part gusto mo.. hehehe.. aaahhhh.. Castlevania.. its rocks! hanngang PS sinundan ko yan.. pag sa Twin Bee nman pag two players madalas agawan sa bells eh.. pero fair ako maglaro.. pag nakakuha na ako ng four lightblue na bells (speed up) at one white bell (power up) at red syempre (Shield) pwede ko na ibigay sa kasama ko lahat.. Contra naman hahaha... 30 lives ha! ayaw ko yung version ng Mario 3 na may "cheat" ippress mo lang yun select sa items mo tapos andun na lahat ng items.. madaya! walang challenge
polar bear sa Ice Climber? hindi ko na matandaan yun ah!
Jinky: Popye nakakatuwa laruin.. magulang lang minsan si Brutus eh.. matapang na mataba pero pag nakakuha na ako ng Spinach eh nagtatatakbo na.. takot kasi!!
Waw. Naalala ko bigla ung Balloon Fight, putukan ng Balloon gamit ang pwet at ung laglagan sa ICe Climber hehee. Masaya din Yung Popeye hanggang stage 4 lang ako dun *sobs* kasi natatalo ako palagi. Tapos magada rin ung adventure island, ung barok na naka skateboard na nakatago sa itlog :))
aayyy... Adventure Island.. one of the best talaga yan.. pag mainipin kang tao hindi mo matatapos yan.. kasi nakakainis talaga mga kalaban dyan.. pag hindi ka pa pasensyosong tao patay! patay pati T.V.
Yun nga! Balloon Fight!!! Maraming balloons tapos tutusukin ng pwet na matulis. May isang taga gawa ng Balloons. Eh ano kaya yung tinitirador na baboy? Parang P yung simula. Pochi? Hinde, kendi yun eh. Basta P. Yata. Lahat yata sa Family Computer favorite ko. Yung karera na may oil slick, tsaka pothole, basta 4 na roads lang yun, pahirap ng pahirap. Ano nga yun? Tsaka yung Penguin na nagsa-slide, tapos may map kung saan siya pupunta, tapos along the way may mga flags shang kukunin to boost speed. Tsaka yung lalaking fairy na kailangang makalabas sa rooms, itatama nya yung wand sa mga blocks para mawala or magkaroon. Ano rin nga yun? Tsaka Rambo, tsaka Popeye nga... /me faints -- Edited by Jinky at 02:43, 2005-07-22 -- Edited by Jinky at 02:44, 2005-07-22
tinitirador na baboy? Karera na may Oilstick? Penguin na nagsslide? Lalaking Fairy? wala akong matandaan ah. iisipin ko nga yan!
naforward ko mga message ko galing sa topic na yun.. sensya na guys.. sana magpost pa kao dito ah!!
eto pa list ng games sa Family Computer baka marami pa kayong mga memories dito...
Road Fighter, Battle City, Mario Brother's, Wrecking Crew, Galaga, Galaxian, Duck Hunt, Othello, Excite Bike, nakalimutan ko title nito eh, Baril gamit nyo dito gaya ng sa Duck Hunt para kayong Cowboy nito kasi Duel ito between sa Computer at ikaw. pabilisan kayo bumaril nito.. pag nagsabi sya ng "fire" dapat maunahan mo sya.. may "Gunss" yata sa title yun..
eto pa list ng games sa Family Computer baka marami pa kayong mga memories dito... Road Fighter, Battle City, Mario Brother's, Wrecking Crew, Galaga, Galaxian, Duck Hunt, Othello, Excite Bike, nakalimutan ko title nito eh, Baril gamit nyo dito gaya ng sa Duck Hunt para kayong Cowboy nito kasi Duel ito between sa Computer at ikaw. pabilisan kayo bumaril nito.. pag nagsabi sya ng "fire" dapat maunahan mo sya.. may "Gunss" yata sa title yun.. isip pa ako ng ibang games ok... start this topic ok..
Ayan pa! Galaga, ang galing ko dyan, lampas 100 ang level ko. Shield na yung nilalagay nila.
Yung Road Fighter yata yung sinasabi ko na may Oil Slicks. SLicks, hindi sTicks, hehe. Tsaka Battle City!
Memories galore naman ito. Hanapin ko nga yung luma kung unit, tignan ko kung gumagana. Kahit yung Mega Joy na lang.
kainis naman yang Sky Destroyer wala naman yatang katapusan yan.. lumalabo na nga mata ko dyan eh.. Rockman naman natapos ko yan Rockman 1 hanggang Rockman 4.. hindi ako gumamit ng "cheat" sa Rockman 3 ah. Punch Out!! great! natapos ko yan! si Mike Tyson last nyan eh. comedy dating nun kasi isang suntok ka lang ni "iron mike" tumba ka na eh.. pero pag tumagal humihina sya kaya yun tapos ko sya.. just like in real life boxing if you learned more about their tactics, its easy to beat em.. naaalala ko rin lahat ng mga boxers sa Punch Out.i gave them nicknames pa nga si "Pinatubo" "Macho Man" "Bumbay" may lasingero pa nga dun yata eh... hehehe...
about dun sa game na sinasabi ko na may "Gunns" ang title its "Wild Gunn Man" pinaka The Best sa akin yun kasi macha challenge ka talaga.. pwede ka pa nga tumayo sa harap ng TV and act like a real cowboy. makipag dwelo ka pa.. "Fire!!" **Bang ** Bang patay!!! hhaay... saya naman!
eto pa iba Road Runner, Elevator Action, 1944, Mappy
ilan taon na ba kayo? kasi ndi ako nakapaglaro nang family computer... para ba yan sega saturn heheh.. gameboy, pc, ps, arcade games lang ang alam ko po..
errr ako kasi 22 na ako. family computer? dalwa kasi version niyan. yung isa US tapos Japan. ang pinagkaiba lang nila e yung language at laki ng mga tapes. as of now marami niyan ngayun kasi kinoclone na lang yan. makikita mo yan sa mga tindahan ng lokal na VCD,DVD.
kung ngayon astig ka kapag nagka ps2,Xbox, or game cube... noon astig na astig ka kapag may family com ka...
9. ice climber - yung polar bear usually sumusulpot siya kapag matagal na kayo sa isang level. kapag nagstomp siya, tataas ang floor ng isang level. kaya kapag nasa lower level ka, tsugi ka...
9. ice climber - yung polar bear usually sumusulpot siya kapag matagal na kayo sa isang level. kapag nagstomp siya, tataas ang floor ng isang level. kaya kapag nasa lower level ka, tsugi ka...
Di ba naka-shades pa yung polar bear? Tama ba ako o na-i-imagine ko lang yun?
s2chard wrote: 9. ice climber - yung polar bear usually sumusulpot siya kapag matagal na kayo sa isang level. kapag nagstomp siya, tataas ang floor ng isang level. kaya kapag nasa lower level ka, tsugi ka... Di ba naka-shades pa yung polar bear? Tama ba ako o na-i-imagine ko lang yun?
oo ate jinky hehehe... ang ayoko sa part na yan yung ibon na lumilipad. badtrip yun.
tinitirador na baboy? Karera na may Oilstick? Penguin na nagsslide? Lalaking Fairy? wala akong matandaan ah. iisipin ko nga yan! Rambo at Popye lang alam ko sa na-mentioned mo..
POOYAN!!! Yung yung baboy! Actually, yung Mommy Baboy ang nagtitirador ng mga wolves ba yun na may lobo na gusto kunin mga anak nyang biik.
ok.. ndi ko na nga talaga matandaan.. hehehe anyway.. pede ba dito ang top 10 fave games sa ps 2/ ps? 10. seven samurai 9. shinobi 8. tekken 1-2 (sa ps 1 pa lang dati..) 7. metal gear 2-3 6. soul caliber 2 (hinahamon ko kayo sa arcade.. dun me nagtrain kaia me naglaro sa ps2) 5. kingdom hearts 4. silent hills (lahat) ..scary.. 3. wolverine's revenge 2. samonosuke.. (di ko matandaan yung title.. pero 3 parts game eto.. waaah..) 1. fatal frame: crimson butterfly (ndi ako natulog for several days)
hahaha soul calibur2!!! sino strongest char mo? ako it;s either si Yunsung or Xiang hua. mas feel ko yung movements nila. hindi masyadong awkwards at konti lang yung mga delyed moves.
Resident Evil 1,2,3 hindi ko pa natry yung code veronica. grabe for one week, takot akong mag cr ng gabi...
how about king of fighters? na-try mo na?
sa Festivalmall ako madalas maglaro ng video games. every sunday (family day kasi)
iLenz wrote: tinitirador na baboy? Karera na may Oilstick? Penguin na nagsslide? Lalaking Fairy? wala akong matandaan ah. iisipin ko nga yan! Rambo at Popye lang alam ko sa na-mentioned mo.. POOYAN!!! Yung yung baboy! Actually, yung Mommy Baboy ang nagtitirador ng mga wolves ba yun na may lobo na gusto kunin mga anak nyang biik. Tapos yung lalaking fairy, SOLOMON'S KEY (sa Game Boy, Solomon's Cube). Yung Penguin, ANTARCTIC naman. Nagkakarera siya. Well, mag-isa lang siya pero basta parang nagsa-slide siya papaunta sa isang goal. 1942! Burger Time! Milk & Nuts! /me faints again
mixed and nuts hahaha!!! yung parang mga kalaban ni pacman ang itsura. pooyan nyahahaha!!!
sa galaga naalala ko pwede kang magkaroon ng sidekick. yung sarili mo...
Tomb Raider, favorite ko. Silent Hill din. Nakakatakot! Pero nilalaro ko na walang sound, naka-up lang ng unti para marinig ko yung radio paglapait ng monsters. Nakakatakot yung mga yabag, eh. Pero mga "bago" na yan, hehe. Okay din yung Fatal Frame 1 and 2. Pero mas natakot ako SH.
Yun namang Resident Evil, parang naaamoy ko yung amoy - lupa na Zombies. Wala lang.
s2chard wrote: oo ate jinky hehehe... ang ayoko sa part na yan yung ibon na lumilipad. badtrip yun. Oo nga! Ang hirap hirap abutin, ang bilis-bilis lumipad! Pangit pa. Bonus ba yung kumukuha ng talong tsaka cabbage tsaka iba pang gulay?
basta galingan nyo lang pagsakay dun sa ibon.. nakakabadtrip lang dun pag dalawa na kayong nagaagawan dun sa ibon.. hehehe.. pag may kasama ako sa bonus stage talgang laglagan kami ng kasama ko eh... yung mga gulay kasi points yun eh.. per stage iba-ibang gulay..
POOYAN!!! Yung yung baboy! Actually, yung Mommy Baboy ang nagtitirador ng mga wolves ba yun na may lobo na gusto kunin mga anak nyang biik. Tapos yung lalaking fairy, SOLOMON'S KEY (sa Game Boy, Solomon's Cube). Yung Penguin, ANTARCTIC naman. Nagkakarera siya. Well, mag-isa lang siya pero basta parang nagsa-slide siya papaunta sa isang goal. 1942! Burger Time! Milk & Nuts! /me faints again
aahh... i remember!! Pooyan! yung Antartic eh Race talaga yan.. pwede rumampa yung penguin. nakakatawa nga pag sumemplang yung penguin eh.. Solomon's Key hindi ko alam yun.. kasi Game Boy eh.. Milk & Nuts alam ko rin yan!!! talagang naghanap ka Jinky ah! hanap pa tayo!!
twistedkai wrote: ok.. ndi ko na nga talaga matandaan.. hehehe anyway.. pede ba dito ang top 10 fave games sa ps 2/ ps?8. tekken 1-2 (sa ps 1 pa lang dati..) 7. metal gear 2-3 6. soul caliber 2 (hinahamon ko kayo sa arcade.. hahaha soul calibur2!!! sino strongest char mo? ako it;s either si Yunsung or Xiang hua. mas feel ko yung movements nila. hindi masyadong awkwards at konti lang yung mga delyed moves. Resident Evil 1,2,3 how about king of fighters? na-try mo na? sa Festivalmall ako madalas maglaro ng video games. every sunday (family day kasi)
Dr.Kai: i played Tekken 1 - 3 and up Tekken Tag (arcade) ang pangit na kasi ng Tekken 4 (for me ah) kasi wla na masyadong Combos at Juggles eh..Tekken 5 hindi ko pa natry kaya hindi ko pa masabi.. Metal Gear hindi ko gaano na-enjoy.. Soul Calibur not even try it.
s2chard: Resident Evil 1 halos namaster ko yan.. hanggang Resident Evil 2 lang ako.. about ulit sa King of Fighters, kelan kaya tayo pwede maglaro? anong KOF Part nilalaro mo.. baka we can meet sa Festival Mall..
s2chard wrote: sa galaga naalala ko pwede kang magkaroon ng sidekick. yung sarili mo... Oo, ako nga nagpapahuli talaga, para pag nabaril ko yung may dala ng craft ko, mag-vo-volt in kami!!! Yehey!!!
sadyang nagpapahuli ako.. sabi nga Jinky eh "Volt-In" mas enjoy yun..
about sa PS games i played din mga RPG's pero sa PS2 never played kahit ano dun even ONCE..
Jinky:Zombie ba?! hehehehe... i enjoyed playing Resident Evil.. mga nakakagulat at nakaka challenge na task.great! with those "amoy lupang zombies" hehehe...