Ganito yung naging set-up. Kilala ko yung girl, closefriend ko. Never did I think of her as girflfriend. Siguro wala pang... "spark"? Then nagkabf siya. Then naging friend ko yung bf niya kasi parehas naming paborito yung final fantasy games at naghihiraman kami ng anime DVD's. Then nakita ko yung sweetness nung dalawa. Dahil friends ko yung dalawa at close ko yung girl, pinapakitaan din ako nung pag-aasikaso nung friend-girl ko. Then narealize ko bakt di ko man lang naisip na ligawan siya. Ewan ko ba bigla na lang nakita ko sarili ko nagpapacute sa kanya. As much as possible dapat alam ko kung saan sila gigimi, then pinipilit kong dapat kasama nila ako. Kapag may nakakapansin bakit ako sama ng sama sa kanila sasabihin ko chaperon ako kasi "Baka may gawin silang kababalaghan". In short MH ako at aaminin ko nagseselos ako kapag magkasama sila at naalala ko lagi ang "My Bestfriends Wedding". Ang nakakatawa pa nito, di man lang nila napapansin yung ginagawa ko. Di man lang sila nag-iisip ng masama sakin kaya naguilty ako. Nagkikita pa rin kami kasi dalawang building sa workplace namin ang pagitan so tuwing may time, sabay kaming naglunch at umuuwi. Now, ikakasal na sila sa February 2008, abay ako. Buti na lang di ako Bestman, O.A. na masyado yung set-up hehehe...
I'm glad for them. Siguro meron talagang person nakalaan lang para sa iyo. Ang hirap lang eh kung ano ba gagawin mo. Hahanapin mo ba siya or hihintayin mo ang pagdating niya. Either way, isa lang natutunan ko dito. Ang kay Juan ay kay Juan. Ang kay Pedro ay kay Pedro...
s2chard: Ang buhay ay parang pelikula. BUti hindi ka naniwala sa >>> Ang kay Juan ay para kay Pedro ang para kay Pedro ay para kay Juan or something like that.
@ s2chard: awww.. talk about kwento ng buhay na pang telenovela.. may kurot ang iyong story.. nakarelate naman ako.. pakiramdam ko kasi ako yung always THE friend, never the girlfriend.. haay...
__________________
onLy UnfuLfiLLed LoVe cAn bE rOmaNTic..-maria elena (VIcky Cristina Barcelona)
s2chard: ouch..hehehe!pero at least na realize mo na meron talagang person na meant for you...medjo nakakarelate ako sa story mo...sakit nga pag ganun eh...pero wala naman tayong magagawa...darating din yung person na yun!:)(wait lang, parang ganito yung homily kanina sa st. Jude ha...)drating yung special someone mo...hanap ng hanap yung iba, yun pala nasa harap lang nila...oh well...
__________________
Pre-Duty-From-Pre-Duty-From...The days of the week are out of my vocabulary...I don't know what day today is, but i sure damn know my duty status...Welcome to clerkship...Sigh...
showstopper: hahaha!!! guiilty ako doon. hanap ng hanap. ewan ko nga lang kung nasaharap ko na yung girl.
tinkah: awww... pero mas touch ako kung girl yung nasa place ko. kasi, di ba pag girl, medyo awkward or parang hindi tama kapag siya gumagawa ng "moves" unlike sa lalaki. okay lang kasi lalaki. tapos ang pwede mo lang gawin ay manood at maghintay. tapos hindi mo pa pwede ipanalangin na maghiwalay sila kasi bad yun di ba? then maiiyak ka na lang.
yani: uu nga at natakot din ako sa cyclical system ng buhay. paano kung may iba naman akong friend na agawin siya sa akin. kayanin ko kaya yun?