najanaja wrote: may nakapagsabi sa kin nun, pag titingnan mo yung mata ng may lahing aswang, baliktad yung reflection mo sa pupils nila. as in upside down.
ryt!!
__________________
Minsan sa buhay ang kailangan mo lang ay ang matulog.. sabi nang Mommy ko.
okay medyo nawala ako ng ilang days. tuloy ko na kwento.
Na-meet ko yung person sa church one sunday. newcomer nga siya kaya nakaupo siya sa likuran. at dahil hindi ko rin gusto ang crowd, likuran din ako naka-upo. then doon siya nag umpisa ng pagpapakilala. tubong visayas, sa siquijor ang kanyang ancestors nabuhay pero lumipat sila sa ilo-ilo. noong una hindi ako naniniwala pero dahil sa consistency ng kanyang kwento medyo naniwala na ako.
sa family nila, tatay ng lolo na lang niya ang kumakain ng laman loob ng "PATAY NA TAO". therefore hindi sila pumapatay tapos kakainin nila. kapag nalaman nilang may inilibing... ayun dinner na yun. tapos yung generation ng lolo niya, ang kinakain nila ay buhay na hayop: manok, kambing, aso, pero hindi pa nila na-try ang kalabaw. nirerespeto nila ang kalabaw kasi pangsaka yun. then kaya din ng lolo niya maging uwak or kalaw. then yung generation ng nanay niya kapag sinusumpong, kayang magbuhat ng tatlong sako ng palay. may pambihirang lakas. pinapagod nila sarili nila para hindi na makapag-isip ng masama. tapos siya, he believes na wala na sa kanya yung lahi kasi naniniwala na siya kay LORD.
kung gusto niyong malaman na isang tao daw ay may lahi, eto lang yung binigay niya. tingnan mo yung pupil ng mata especially sa gabi. nag-iiba yung shape, parang mata ng pusa guhit na lang. then meron silang birth marks na sinasabing marka ng kanilang lahi.
well, bahala na lang po kayo kung maniniwala kayo but for me medyo totoo.
then yung generation ng nanay niya kapag sinusumpong, kayang magbuhat ng tatlong sako ng palay. may pambihirang lakas. pinapagod nila sarili nila para hindi na makapag-isip ng masama. tapos siya, he believes na wala na sa kanya yung lahi kasi naniniwala na siya kay LORD.
Gusto ko itong part na ito, especially yung pinapagod nila yung sarili nila para wag makaisip ng masama. Parang ang galing.
Naniniwala yata ako unti, especially nung sinabi nya yung part na ito na na-quote ko.
Chard, kinuwento mo ba na pinag-uusapan natin siya/sila dito? Well, sort of?
s2chard: may mga occult books kami na nagsasabi na the marks that the person was talking about is parang yung sign kung sino at saan galing ang lahi nila.. wow.. sure na kaya siya na ndi na naputol na yung bad blood na yun? ang alam ko kasi patuloy ang lahi (dna structures and all..) pero.. malay nga naman natin,,
__________________
Minsan sa buhay ang kailangan mo lang ay ang matulog.. sabi nang Mommy ko.
hehehe.. oo nga naman.. kasi baka ma-awaken ang kanyang "aswang" senses.. pero i admire the person.. kasi inopen nya sa iyo (s2chard) yung lihim nya.. madalang ang ganun.. after all.. maari mo syang saktan.. pero kung nakakapasok na sya sa church.. malakas na nga pananalig nya kay GOD..
__________________
Minsan sa buhay ang kailangan mo lang ay ang matulog.. sabi nang Mommy ko.
hindi ko pa sa kanya sinasabi na ikunukwento ko siya dito. well, hindi ko pa siya iniinvite dito at malamang hindi ko siya iinvite dito. nakakahiya kasi pag nabasa niya itong thread. hindi ko naman siya ginagalit.
but one thing i-aadd ko pa pala. isa pang reason bakit medyo naniniwala sa kanya. kasi ang mga aswang meron silang mga guardians. well sort of parang protection kasi naniniwala sila sa eye for an eye. kapag nasaktan ang katropa nila, gaganti sila.
one night naglalakad kami galing sa meeting kasama ibang churchmate anim kami nun, bigla na lang siya nagtanong kung kanino yung pinakamalapit na bahay. may nagvolunteer na dun na lang sa kanila. mapapansin mo na nagmamadali siya. ang reason niya natatae daw siya. well, di ako naniniwala kasi kita sa mukha niya di talaga siya natatae. then makarating kami sa bahay, nasa terrace lang kami. balik uli kami sa kwentuhan, may paniki na aali-aligid sa compound. of all the places at people na pwedeng bwisitin ng paniki, kami pa.
nung sumunod na week, i-kinwento niya sa akin na kilala niya raw yung paniki, dinadalaw siya. aswang usually transform themselves into bats, wildboar, cats, and tuko. pero yung uwak, sabi niya wala pa siya na encounter.
then share ko lang ang sinabi niya. Kapag lalabas ng gabi betweeen 12:00 midnight up to 3 am, dapat magsasama kayo at least three person. yan yung time na malakas yung drive ng mga aswang at ng mga spirits. especially kapag kabilugan ng buwan. samahan pa ng moonbathing ng mga witches. aswang hindi nila prefer yung ang cities. maselan daw sila sa pagkain. sabi nga ng friend ko ang mga tao sa manila contaminated na raw hehehehe
naniniwala ako sa mga aswang, spirits, and likes. kasi nasa bible din yan e...
Romans 14:11 - As I live, says the Lord, every knee will bow to Me, and every tongue will give praise to God.
wala sinabi human knee or animal knee, basta lahat ng tuhod...
pray na lang po tayo kay LORD para sa guidance and protection.
aswang hindi nila prefer yung ang cities. maselan daw sila sa pagkain. sabi nga ng friend ko ang mga tao sa manila contaminated na raw hehehehe
Ah, kung ganun, okay ang mga beerkadets. Masyado tayong weird para kainin ng aswang.
Sabagay nga, Chard, wag mo na nga lang siyang papuntahin dito kasi tinawag siyang mamaw ni cjay, hehe. Hindi, tsaka kasi baka ma-offend siya sa mga tanong natin dito. Shempre, gusto lang natin ng info at kwento, pero baka hindi siya sanay sa ganung klaseng interview. Ikaw na lang siguro mag-kwento sa amin. Very interesting. Nagsa-struggle siya talaga ano kasi meron siyang mga instincts na hirap siyang alisin. pero parang mabait naman siya.
mas delikado ang lugar ko ngaun,,, nasa dumaguete ako and alam ba nyo kung ano ang kapitbahay na isla????
siquijor....been there and also have some close friends who lived there and whether i, you believe it...sabi nila totoo yung mga mambabarang o voodoos and everything.....cool..... pumunta ako dun last last year at Nov. 1 pa yun.....