Yay, but no yay... shaider on 7?> again? no originality, if only they could pull up Trese series instead and make it into a TV show, sans the maldita kontrabidas, only the hyped up monsters.
Guess what, GMA didn't get Toei's permission to remake Shaider... but they gave the go signal to make a Shaider spin-off. Si Dennis Trillo daw ang gaganap.
(does the Fuma Lei-ar worship dance)
Dennis Trillo? Para atang napaka-awkward naman kung siya gaganap. Parang Aga Muhlach gaganap na isa sa Bioman. Mas maganda pa rin siya sa mga serious drama. Akala ko ba si Marky Cielo. Compared sa dalawa mas maganda ata si Marky. Pero kung susumahin, mas maganda na wag na nilang ipalabas...
Sino gaganap na Ida? Wag na naman si Katrina medyo nakaka umay na siya. Tapos yung mga amazona mga members ng Sex Bomb dancers, nyahahaha!
Di dapat mawala yung sayaw. Shigi shigi wa... hahaha!!! ano ba yan...
It's official. Dennis Trillo is now "Zaido: Pulis Pangkalawakan". Pinakita na ang costumes nila at nagmukhang tumaba si Dennis. If not for the Shaider reference this would sound promising.
It's official. Dennis Trillo is now "Zaido: Pulis Pangkalawakan". Pinakita na ang costumes nila at nagmukhang tumaba si Dennis. If not for the Shaider reference this would sound promising.
nagets ko na yung set-up. tatlo silang pulis pangkalawakan si Zaido, Alexis,at Cervan. Well, kasama si Annie dahil sidekick siya pero di naman siya nagtatransform... errr... or di naman siya nagpapalit ng costume.
sana si John Lapuz na lang si Ida, para naman may halong comedy...
hmm.. seen the costumes they'll use in zaido and it sucks! to think that after all the years na pagitan, mas maganda pa din ung costume na ginamit sa shaider! ung gamit nila parang karton!
Now THAT's impossible. Hindi kakayanin ng technology natin, kahit GMA pa ang gumawa. Besides, a live-action Voltes V will kill the feel of the anime. Parang 'yung live-action Sailor Moon.
Natapos na rin ang impostora. weee!!! mga nalaman ko sa impostora (joke) 1. kapag papatay ka ng tao, makipagchikahan ka muna o kaya ikwento mo kung paano mo siya papatayin para sa ganun may chance ang kalaban na mapatay ka niya. 2. kapag nabaliktad ang sitwasyon ikaw naman ang magkwento para sa ganun may chance siya na tuluyan ka niyang mapatay. 3. Kung papatay ka, dahan-dahanin mo para may chance na mabuhay pa siya. 4. ayawin mo yung kalaban mo tapos kapag kelangan mo ng tulong tawagin mo siya. 5. makipagsampalan in your most beautiful attire para may class ang away niyo. 6. pwede ka pang mabuhay kahit tatlong beses ka ng sinabugan ng dinamita. pero infairness napanood ko siya ng buo.
1. may isang scene kasi na papatayin ni Jean garcia si Sarah (good sunshine dizon). kakalabitin na lang ni Jean garcia yung baril para patay na si sunshine dizon (sarah) para tapos na ang lahat. ano ginawa niya, well ikinuwento niya ang mga pinaggagagawa niya sa nanay ni sunshine (gelli de belen) at yung mga plano nila ni vanessa (which is sunshine also pero evil). well nakipagchikahan pa siya. naagaw tuloy ni sunshine yung baril.
2. nung na kay sunshine na yung baril, siya naman ang nagkuwento. sa mga panlalait, at pang-aapi na ginawa ni jean garcia sa family niya. blah, blah, blah... anong nangyari? naagaw naman ni jean garcia yung baril. o, di ba kainis. kung ayaw niyang barilin si jean dahil nakokonsensya siya, e di sana tumakas na siya.
3. nung naagaw ni jean yung baril, anong ginawa niya? hindi niya binaril si sunshine kung di ikinulong niya si sarah sa kabaong at pinalunod sa lawa. ang nangyari nailigtas siya ni Mark anthony (nicolas). o, di ba buhay pa siya.
4. ayaw ni vanessa(evil sunshine dizon) kay luis alandy (leandro). talagang nilalait niya si leandro. kasi si leandro obsess siya kay vanessa. eh sinampahan ni nicolas si vanessa ng kaso. ang scene, inaaway ni vanessa si leandro, sinabihan pa nga niyang baliw, etc... tapos dumating ang pulis para arestuhin si Vanessa. nung aarestuhin na siya ng pulis, anong isinigaw niya? "leandro tulungan mo ako!" asteeeggg, inaway mo yung tao tapos hihingi ka sa kanya ng tulong. nakakabaliw!!!
5. nakipagsampalan at nakipag bangayan si jean garcia kay izza calzado with her most sexy clothes and three inch high heels. inililigtas ni Izza si sarah (good sunshine) kay jean garcia. hehehe nakakatuwa. talagang suntukan, hahaha sinikmuraan nga ni Izza si jean eh. hehehe...
6. tapos eto ang asteeeg. papatayin ni jean garcia si sarah sa pamamagitan ng pagpapasabog ng dinamita (actually time bomb kasi may orasan pero yung explosives, dynamite ang ginamit) sa isang bahay na ginagawa palang. ang nangyari, nakatali si sarah tapos kita niya yung dinamita sa harapan niya. iniwan na siya ni jean. kung tutuusin perfect plan, hihintayin na lang talaga yung time. kaso talagang may taong bopols sa mundo. hehehe... ang ginawa ni vanessa (evil) pinuntahan niya si jean garcia dun sa bahay. kaso nakaalis na si jean. alam ni vanessa na may bomba sa lugar, pero sige pa rin siya. nalaman ni jean na pinuntahan siya ni vanessa so bumalik siya para iligtas. ng makita ni vanessa si sarah na nakatali, ano ginawa niya, nakipagbangayan siya, nasa harapan pa rin nila yung dynamite. dumating si jean para sabihin ang bomba pero huli na siya. sumabog ang bomba mismo sa harapan nila. take note... sa harapan nila. Pero buhay pa sila. then dumating si nikolas. isa lang ang pwede niyang dalhin palabas ng nasusunog ng bahay so si sarah ang kinuha niya. naiwan si jean at vanessa. tapos sumabog pa uli yung bomba ng dalawang beses. as sabog ha. tipong sa action scene na may sumasabog na granada. pero nabuhay pa rin sina jean at vanessa. kaso si jean naputol yung paa. si sunshine, gasgas lang bruises lang. o di ba, daig nila yung mga action scene na kapag may sumasabog na granada lima patay. hehehe... super human silang tatlo. hehehe...
wala lang, natutuwa lang kasi ako. pero nagustuhan ko yung kuwento. hehehe...
Nagustuhan ko din yung story line ng Impostora. At para maka connect ako sa mga patients namin pinagtyagaan ko ang Marimar.
hahaha... ganyan din yung brother ko. kelangan niyang makanood ng marimar para tuwing bibisitahin niya yung matatanda, may chance siyang makipag kwentuhan. sabi nga ng brother ko, "ang isang nurse ay hindi lang isang nurse, isa ring siyang kaibigan... marimar... awww!!!"
la vendetta... errr... medyo nakokornihan ako sa title.