Help! Paano ba magrecover ng CD na puro gasgas? Nasira kasi ng pamangkin ko 'yung CD ko ng Super Robot Wars Alpha. Nagasgasan ang buong CD. Nababasa pa naman ng PC ang data n'ya, pero sabi nila hindi na raw puwedeng irecover 'yun....
quote: Originally posted by: lei "kung nababasa pa sya, e di na-re-recover pa sya?? tama ba? siguro nga, i burn mo nga.. :) "
Nababasa nga siya, pero bumabagal ang CD drive. Pag kinokopya na, naghahang ang computer T.T. May hardware ang kabarkada ko na kayang magretrieve ng data sa sirang CD, pero noong CD ko na ang sinubukan, sumuko ang computer nya T.T
quote: Originally posted by: s2chard "may nakita ako sa isang store ng "datablitz"... store siya ng original pc-cd games... meron dun na liguid chemical na nilalagay sa mga gasgas na cd... last week ko lang siya nakita... try mo lang ung store if ever, "datablitz"..."
Saan ko mahahanap itong "datablitz"? Baka sakaling bumaba ako ng Manila, malay natin baka umepekto....