Members Login
Username 
 
Password 
    Remember Me  
Post Info TOPIC: Pinoy Big Brother


KONOHA VILLAGE - Jounin

Status: Offline
Posts: 1833
Date:
RE: Pinoy Big Brother
Permalink   


ikaw ba naman, pinalalayas ka ng mga housmates mo. ba biro mo tatlong beses...


pero ang dapat bumalik para sa akin si Jen. kasi di naman talaga gusto niya umalis. nagkataon lang na kelangan siya ng father niya... o di ba??



__________________
A CERTIFIED HOPELESS ROMANTIC


Korean Adik

Status: Offline
Posts: 1046
Date:
Permalink   

^^tama ka diyan!!!


para sa akin, ito ang order ng mga gusto kong housemates na bumalik...


1) Jenny-sayang nung umalis siya...hinihingi lang naman kasi ng pagkakataon kaya siya umalis sa bahay ni kuya....


2) Rico-nakakamiss na siya,...tagal na niyang nawala...


3) JB-para makasama na niya si Say....


4) Racquel-kung gusto ng mga tao..ok lang...pero masakit na para sa pamilya niya na bumalik siya



__________________

Current Addiction:Fantasy Couple ()
my blog,my other blog


Senior

Status: Offline
Posts: 252
Date:
Permalink   

order ko naman:


1. jenny - feeling ko hindi pa lumalabas yung tunay niyang kulay.. napaaga kasi yung alis niya, e..


2. racquel -  para matuloy yung tradisyong i-nominate siya.. pati bet ko siya, e..


3. rico=jb - ayaw ko to kasi magiging 'rico-chx love story' o 'jb-say love satory na ang PBB'..



__________________
an always boring, never-interesting show, that you'll never want to watch..
peek into The Monarch Show..
surprisingly still on-air..


WRC Rallye Power House Driver

Status: Offline
Posts: 984
Date:
Permalink   

ibalik si raquel!!!



__________________

Ang halik ni Hudas!!!



Junior

Status: Offline
Posts: 53
Date:
Permalink   

ang predictable na talaga ng PBB. Lam na kagad na si Jenny ang mababalik sa bahay kasi ba naman si Mariel andun sa Bulacan. Like nung eviction night between Cass and Raquel, asa Davao naman siya so given na na si Cass ang stay.


Ganda ngaun, 5 ang nominees. sana matanggal na si CHX. kasi super nakakirita siya sa tv.



__________________
mahirap magpaka-nostalgic, especially if may memory gap ka..


WRC Rallye Power House Driver

Status: Offline
Posts: 984
Date:
Permalink   

buti na lang bumalik si jenny (may naalala ako pag nakikita ko siya sa TV someone na napost ko na) good girl naman kasi at sana paalisin na si CHX

__________________

Ang halik ni Hudas!!!



WRC Rallye Power House Driver

Status: Offline
Posts: 984
Date:
Permalink   

naalala ko lang yung nangyari PMAer ba talaga si nene mas ok pa ako mamarusa sa kanya pero naniniwala naman ako kasi bawal daw ang literal na pangit sa PMA


Mapuyats: baka nandyan uli ako sa next PMA exam 3 beses na ako kumukuha 3 x na din ako pumapasa



__________________

Ang halik ni Hudas!!!



Senior

Status: Offline
Posts: 252
Date:
Permalink   

woohoo! 5 nominees! sana 2-3 ang mae-evict next week!

__________________
an always boring, never-interesting show, that you'll never want to watch..
peek into The Monarch Show..
surprisingly still on-air..


Lion King

Status: Offline
Posts: 998
Date:
Permalink   

isa lang talaga maeevict kada every 2 weeks.

Paborito ko c Jeni, sana sya ang manalo!

Ang plastik ni Say. i hate her eversince. sana sa susunod sya na matanggal. Miss Jinky dba kilala mo directors nito? baka madaan sa diplomasya. :P



__________________


Senior

Status: Offline
Posts: 442
Date:
Permalink   

sayang hindi si raquel...mga utak talaga ng pinoy...


ako di ako sa awa eh..sa enjoyment..


isipin nyu na lang pag nakabalik si raquel...imagine their reactions..


Housemates:"wtf...tinanggal ka na namin ah!!!! nandito ka nanaman"


Raquel:"masamang damo to tol...nagdadamo...kaya mataba ako.."


diba...sayang


or si Jb para romance naman ndi Horror


Jb:"oh my SAy...parting is so sad...but im bak here..oh say"


Say:"oh Sam please punch this stranger"


diba...sayang


o si Rico na lang ...


Rico:"hi housemates, long time no see ah"


Housemates:"Brad, sino ka??"


diba...sayang




__________________
"Magkailaw man madilim parin...kung wala ka."


Seven Cardinal Sins:Seven Humonculus
Pride | Envy | Sloth | Wrath | Lust | Gluttony | Greed


KONOHA VILLAGE - Jounin

Status: Offline
Posts: 1833
Date:
Permalink   

HAHAHA!!! nice line...


Chix: Rico nagbalik ka???


Rico: Chee... sumama ka sa Sam mo!!!



Para sa akin si Franzen ang matatanggal. O.A. na siya. wala na sa lugar. nawala na ang amor niya para sa akin.


jason and cass... hmmm... magtagal pa sana sila.



__________________
A CERTIFIED HOPELESS ROMANTIC


WRC Rallye Power House Driver

Status: Offline
Posts: 984
Date:
Permalink   

mawala na silang lahat!!!!!!

__________________

Ang halik ni Hudas!!!



Junior

Status: Offline
Posts: 53
Date:
Permalink   

sana si CHX na lang ang ma-evict kasi talagang hindi ko kinakaya presence niya sa tv screen. ang prophecy ko, pag lumabas siya ng bahay ni kuya, ala siyang magiging career, unless kunin siyang wowowee girl o kaya bold star (mean!). pero pwede din si sam na lang ang ma-evict para makita ko na siya in person. nyahahaha...


anyways, have you seen the latest fhm with angel locsin on the cover? may one-on-one interview dun with cass. some of the questions asked were about pinoy big brother, which is really weird kasi panong na-interview ng fhm si cass if asa loob siya ng bahay ni kuya? well, yes, pwedeng yung interview was conducted before she entered PBB. kaya lang weird pa din. dami din niya poses dun na nakakabigla. as in!



__________________
mahirap magpaka-nostalgic, especially if may memory gap ka..


Senior

Status: Offline
Posts: 442
Date:
Permalink   

si chx pag natanggal wala lang.....


si franzen....pwede...


cass nope..


jason..nope


sam...nope...


pag natanggal si sam...


housemates:"natanggal ka kaagad sam...pasikat ka kasi...chupee"


Sam:"(ngingiti at sasabihin with an accent)..tama pasikat kasi kintab mga TEETH ko...you make me feel like im...."


si Franzen kaya


Housemates:"bye franzen...."


Franzen:"wag muna...d pa tumutubo buhok ko!!!!!!!!!"



__________________
"Magkailaw man madilim parin...kung wala ka."


Seven Cardinal Sins:Seven Humonculus
Pride | Envy | Sloth | Wrath | Lust | Gluttony | Greed


Carpooler

Status: Offline
Posts: 1229
Date:
Permalink   

Bah, mukhang matagal yatang walang update si Resident PBB Expert Lorie, ah! 4 days ago pa! Mag-update ka pa kasi dito na ako nanonood sa forums, hehehe




__________________
Oy, Meshugana!


Korean Adik

Status: Offline
Posts: 1046
Date:
Permalink   

mga nangyari sa bahay ni kuya:(due to insistent public demand...hehehehe)


*dahil sa mga kapalpakan ni Franzen, noong Sabado, pina-memorize sa kanya ang first two stanzas ng Mi Ultimo Adios...ngunit...tatlong beses na ay sablay pa rin...kaya pinapili siya ng makakasamang housemate...napili niya si Nene...kaya lang sablay pa rin sila...habang lumalaon ay padami na ng padami ang stanzas na mememorizin nila...pagkatapos ng pagsablay nina nene at franzen...pinapili ulit sila ng dalawang housemates...sina Uma at Say ang napili nila...magawa na kaya nila ng tama ang pagmemorize sa mga stanzas ng Mi Ultimo Adios o patuloy pa rin silang sasablay???....


*bago mag-Sabado ay binigyan ng sorpresa si Jayson ni Big Brother...nagkaroon sila ng bonding ng anak niya for 100 seconds...birthday kasi ng anak niya kinabukasan...pagkatapos ng 100 seconds ay hinalikan siya ng kanyang misis....how touching!...


*noong nakaraang Sabado ay sinabi na ang mga nominado para sa eviction sa Sabado...ito ay sina Franzen(automatically nominated dahil sa dami ng mga violations niya sa houserules), Jayson,Cass at Sam(nominated talaga ng mga housemates) at si Chx(automatically nominated din dahil sa pagtatanong kay Jenny ng mga nangyari sa labas ng bahay ni kuya)



__________________

Current Addiction:Fantasy Couple ()
my blog,my other blog


Korean Adik

Status: Offline
Posts: 1046
Date:
Permalink   

*turn na ng mga other housemates na gumawa ng sakripisyo nila para sa mga good deeds na gagawin nila....una na si Franzen dati na nagpakalbo


ngayon naman sina:


*Chx-naging katulong sa loob ng bahay for two days...para mabigyan ng mga laruan ang nasa orphanage


*Uma-di nagyosi for two days...para mapakain ang 100 street children sa isang restaurant


at bagong-bago...ngayon lang..


*Cass-nagpapangit...para mabigyan ng mga laruan ang mga batang nagbebenta ng sampaguita sa may Baclaran


*Jayson-nagpagupit ng mohawk...para mabigyan ng TV at Karaoke set ang mga inmates ng Batangas Provincial Jail...


 


Weekly Task nila ngayon ang gumawa ng concert na itatanghal nila ng Live sa Biyernes...excited ang mga housemates!!!


Ito ang isang patikim para sa concert...ang collaboration nina Say at Sam...ang poem ni Sam na tinulungang itranslate ng mga housemates lalong-lalo na ng evicted housemate na si Bob...


MAGMAMAHAL MULI


by Say and Sam


umaasang magmamahal muli
ang buong akala ko'y sya na
kabiguan ang napala
paghilom ng puso'y hindi madali
ang malaman mahal mo'y
walang pag ibig sa 'yo

ang umasang magmahal muli
syang magagawa
huwag hanapin ang pag ibig
ito'y darating sayo
aking naranasan....



ohhhhhh
ang pagluha tulad ng sa ulan



ang umasang magmahal muli
syang magagawa
huwag hanapin ang pag ibig
ito'y darating sayo

ang umasang magmahal muli
syang magagawa
huwag hanapin ang pag ibig
ito'y darating, ito'y darating.....
ito'y darating sayo

ohhhhhhh.....ito'y darating sayo....



__________________

Current Addiction:Fantasy Couple ()
my blog,my other blog


WRC Rallye Power House Driver

Status: Offline
Posts: 984
Date:
Permalink   

medyo napapabilib na nila ako sa mga pinaggagawa nila watta sacrifice



__________________

Ang halik ni Hudas!!!



Senior

Status: Offline
Posts: 100
Date:
Pinoy Big Brother - Scripted?
Permalink   


naniniwala ba kayo na scripted daw ang PBB?
may na-receive kasi akong email...

__________________
Laughter is the best heroin


Senior

Status: Offline
Posts: 442
Date:
RE: Pinoy Big Brother
Permalink   


Lorie:narinig ko ung part lang nung kanta...anganda ng pagkakanta ni Say kasi ung boses niya mataas...hehehe...with the acoustucs....YAN ANG PINOY!!!


ang PINOY AKO daw ay rip off???...well..no comment...


Chechi: uu sabi nga sa balita..pero wala akong pake kung sino ang mananalo o kung paano siya mananalo...its entertainment...ang mahalaga natutuwa ako sa pinaggagagawa nilang kalokohan..hahahahahahaha...wala lang...



__________________
"Magkailaw man madilim parin...kung wala ka."


Seven Cardinal Sins:Seven Humonculus
Pride | Envy | Sloth | Wrath | Lust | Gluttony | Greed


Korean Adik

Status: Offline
Posts: 1046
Date:
Permalink   

may mp3 ako nung kanta...pero yung unang version...yung walang second stanza...hehehe...

__________________

Current Addiction:Fantasy Couple ()
my blog,my other blog


Korean Adik

Status: Offline
Posts: 1046
Date:
Permalink   

SAM, O SAM!!!!!!!!


 


BAKIT KA NALIGO KASABAY NI CHX KANINA??????


 


DAHIL LASING KA NANAMAN DAHIL SA BEER???


 


O GUSTO NIYO NA TALAGA MAPALABAS NG BAHAY NI KUYA????


 


WHY,OH WHY????



__________________

Current Addiction:Fantasy Couple ()
my blog,my other blog


KONOHA VILLAGE - Jounin

Status: Offline
Posts: 1833
Date:
Permalink   

hehehe malas naman ni chicks. kasi ang nangyari sa totoo lang, kokonti ang may gusto kay chicks. kaso di siya navovote para sa elimination. kaya ayun, kung hindi pa sa sinama ni big bro sa mga eeliminate, di pa siya matatanggal.


I guess si nene ang pinakamalakas ngayon.



__________________
A CERTIFIED HOPELESS ROMANTIC


Lion King

Status: Offline
Posts: 998
Date:
Permalink   

hmm. isa lang masasabi ko sammga detractors ng PBB. "fake kayo!"

__________________


Senior

Status: Offline
Posts: 252
Date:
Permalink   

why CHX, why? sana si franzen nalang o si jayson.. OA na sila masyado e, nakakasawa na..

__________________
an always boring, never-interesting show, that you'll never want to watch..
peek into The Monarch Show..
surprisingly still on-air..


KONOHA VILLAGE - Jounin

Status: Offline
Posts: 1833
Date:
Permalink   

monsy wrote:


why CHX, why? sana si franzen nalang o si jayson.. OA na sila masyado e, nakakasawa na..


oo nga mas feel ko matanggal si franzen. O.A. na talaga. kaso marami ang supporters niya compared kay chx. si jason naman kung di dahil kay franzen di naman un o.a. naku BI (bad influence) pala si franze...


go ako kay nene...



__________________
A CERTIFIED HOPELESS ROMANTIC


Korean Adik

Status: Offline
Posts: 1046
Date:
Permalink   

UPDATE!UPDATE!


*nominated for this week sina Jayson at Sam...ako mas gusto ko i-save si Jayson kasi mas kailangan ng pamilya niya yung premyo


*laugh trip talaga yung nangyari kagabi....tawa kami ng tawa sa bahay...kasi ba naman biglang pumasok si "Frankie"(frankestein) sa room ng mga lalaki tapos tulog pa sila...si Franzen biglang pumunta sa kama ni Uma...tapos si Jayson nahintakutan..putlang putla!!hahaha...tapos si Uma delayed reaction..kaya buong araw takot na takot kay Frankie...


ikaw ba naman di ka talaga maalimpungatan kapag ito ang tumambad pagkagising mo?




__________________

Current Addiction:Fantasy Couple ()
my blog,my other blog
LP


the missing slayer

Status: Offline
Posts: 2345
Date:
Permalink   

talagang ma sha shox ka...

__________________

Zombies 5



WRC Rallye Power House Driver

Status: Offline
Posts: 984
Date:
Permalink   

sana KAPRE na lang ang pinapasok nila

__________________

Ang halik ni Hudas!!!



Carpooler

Status: Offline
Posts: 1229
Date:
Permalink   

Pwede ring Kapre, kasi very Pinoy. Eh PINOY Big Brother nga.

Lorie, UPDATES!! Hehehe, i-pressure ba?



__________________
Oy, Meshugana!
«First  <  1 2 3 4 5 614  >  Last»  | Page of 14  sorted by
 
Quick Reply

Please log in to post quick replies.

Tweet this page Post to Digg Post to Del.icio.us


Create your own FREE Forum
Report Abuse
Powered by ActiveBoard